Tuesday, February 1, 2011

Lakad Pasulong

source
Sa mga oras na to gusto kong mag-isip ng entry ko para sa Mapagmahal Blog Award ni Kamil pero hindi ko magawa. Gusto ng utak ko, pero ayaw ng puso ko. Takot siyang balikan ang bawat sandaling pinagsamahan, ang masasayang ala-ala ng kahapon. Nakabasa ako ng ilang blogs na nakita ko sa blog roll ni Kamil. Hindi pala ako nag-iisa. Marami kaming nasasaktan, pero hindi ako natutuwa dahil dun.  Ngayon ramdam ko ang sakit at ang tanong sa puso ko, Handa na ba akong sumulat ng maikling kwento ng buhay pag-ibig ko. Akala ko kaya kong iwasan ito, dito sa blog na ito, pero hindi pala. 

Malapit na pa naman ang araw ng mga puso. Napapa-emo tuloy ako, pero hindi naman bagay sakin yun eh. Kasi masayahing tao ako, yun ako sa pamilya at mga kaibigan ko. Sa mga tao sa paligid ko, pero sa totoo, ayokong ipakita ang totoong saloobin ko.

Sa darating na araw ng mg puso may date ako. Date kasama ang buong pamilya, suporta sila sa bigo kong puso. Kunwari family dinner daw bago umalis si Kuya pero ang totoo alam ko, ayaw nila akong mag-isip, umiyak at nakikitang nasasaktan.

Sa lahat ng taong may dinaramdam ngayon, don't worry, darating din tayo sa araw na tayo naman ang magiging masaya. Kanya-kanyang paraan nga lang. Basta ang mahalaga, LAKAD LANG NG LAKAD PASULONG.

ayoko na.....kaya gusto ko ng matulog, kasi ito yun eh! ayan na.....(tears......tears...tears....).

10 comments:

  1. parekoy.. emo ah hehehe.. ganyan nga, think positive, be positive..

    darating din oras, ikaw naman ang magpapayo hehehe.. pinagdaanan ko na ang stage na ganyan... ngayon may trophy na ko, 2 pa nga eh hehehe...

    :)

    ReplyDelete
  2. ate tama kang, isang malaking check!
    ramdam kita talaga...

    sa february 19, sa moa.. pwede ka?
    kitakits kasama ang ibang pinoy blogger! :)

    ReplyDelete
  3. sana nga jhengpot pakatapos nang feb 13 19 na agad hehehehe para wala nang malungkot....

    ReplyDelete
  4. Istambay: salamat parekoy. mas madaling magpayo pero aminado ako ang hirap gawin sa sarili ko.

    Jhengpot: ramdam din kita sa mga post mo. kaya natin yan. what time sa Feb 19? may lakad kasi ako nun pero try ko habol. masaya yun.

    Jobologist: oo nga! sana matapos na lahat ng kalungkutan sa mundo.

    ReplyDelete
  5. 1pm sa feb 19..pede??hehehe.. may lakad kaba billy? pede bang icancel yun? teka girl o guy kaba?? nalilito kasi ako sa name mo eh.. sabi ni istambay parekoy.. sabi naman ni jheng ate..ano va talaga???hehehe

    ReplyDelete
  6. Babae po ako (kanta)atekoy ako! hahaha! oo nga pala si Kamila lang ang nakaka-alam na babae ako. 1PM sige, gagawin ko lahat ng aking makakaya para maka-atend.

    ReplyDelete
  7. huyyy badtrip kayo lahat!! Magkikita kita kayo!! huhuhu todo inggit naman ako..

    Hahha.. ano ka ba ilabas mo lahat ng gusto mo ilabas sa blog mo .. kung ayaw mo naman okay lang yun.. ikaw ang may hawak ng blog mo!! Hahhaahha :)

    Hayy... kung makakabigat sayo.. edi wag na.. pero kung may maitutulong ang paglabas mo para totally maka-move on na.. go lang ng go!

    ReplyDelete
  8. tama si jobo... sana feb 19 na! ahaha...

    kokak - 1pm??? naku, ang aga naman... out ko plng sa work nun.. di ko kayang humabol.. ahaha

    nga pla, thanks for following... followed you back! ^^

    ReplyDelete
  9. tamaaa!!! sulong lang nang sulong potanesss!!! taraaa!!!

    ReplyDelete
  10. Kamil: Meron na sinabi ko na pero kulang pa.

    Leonrap: thanks.

    Nishiboy: Salamat!

    ReplyDelete