Tuesday, February 8, 2011

Leukemia

At dahil ilang araw na wala pa rin akomg maisip isulat.

Nagbasabasa, humiga, naglaro, pero as usual, hindi pa din ako makatulog. Gusto ko na ngang hingin si Coffee kay CheeNee,.....uy, CheeNee, decaffeinated ba si Coffe?

Anong kinalaman ng Leukemia? Kasi nung bata pa ako, ang pangarap kong sakit, Leukemia. Hindi ko din alam kung bakit. Dahil siguro nangarap ako ng isang prince charming na kamukha ni Andrew. Pero ang katotohanan, naiisip ko dati, sino kaya ang iiyak pag ako nawala? Sino ang malulungkot? Pero ayoko pang mamatay. Ngayon ko lang naisip, super magastos ang sakit na to, kaya wag na lang. erase, erase.

ang gwapo niya
ayokong mademanda
hay naku, walang sense ang post na to. skip.....skip....

Thursday, February 3, 2011

Ibuhos mo!

Pasok ng bahay, deretcho sa kwarto, sabay tulog.

Nakarinig ako ng katok sa pinto. "Gising na, kumain ka na, naghihintay na sila Mama sa baba. " Tumayo ako, nagpunta sa banyo, naghilamos, tapos bumaba. Kumain kasalo ang pamilya.

Mama: Anak, pansin ko lagi ka sa kwarto, ano bang pinagkaka-abalahan mo?

Billy: Ah, Ma? natutulog lang.

Benjie: Weh, wala ka ng insomnia?  Kontest nga kayo ng kawago diba!

Billy: Ewan ko sayo kuya, kaw mukang kwago.

Banjo: Ano ba yun ah! Ibuhos mo lang Nikos...

Billy: Pauso ka naman kuya, gaya-gaya sa commercial.

Mama: Nak, pag may sasabihin ka, may tenga kami, marami tayong Ice tea jan......ibuhos mo lang.

Ha-ha-ha. Natawa ako kay mama at sa kanilang lahat, gayahin ba naman ang  commercial. Ano ba? ako ba si Nikos na nabigo kay Matina? Pero na-appreciate ko naman. Hindi nila alam binubuhos ko ang oras ko ng hindi makatulog  sa pagbabasa ng mga articles na makakatulong sakin.

Umakyat ako sa kwarto ko, binuksan ang computer. 
Wala akong ginawa tinitigan ko lang
may pumasok sa pinto
si Kuya Banjo pala

Si kuya, nagtanong: "Okay ka lang ba?
"Oo kuya, super bongga, Ikaw ano na balita?, tutuloy ka pa ba?"
"Oo, kailangan"
"Sige kuya, gudluck. Sana manahanp mo si Iyah, magiging happy ako para sayo"
Tinapik niya yung balikat ko sabay sabing, 
"magiging okay dinanag lahat, sige tulog na ko. Ikaw matulog ka din ah"
Tumango ako....Lumabas na siya.

Gusto ko sabihin kay kuya na "sasabog na yata and dibdib ko kuya"
pero hindi ko nagawa dahil alam ko may sarili din siyang dinadalang suliranin.
Kaya sige na, share ko sa inyo.

Naghiwalay kami ni Perdo (di nia real name) last December dahil sa third party. 3 1/2 years naging kami. Kami pa pero tapos nagdedate sila ni 3rd. Sinubukang ayusin pero hindi na talaga uubra dahil wala ng tiwalang natitira. Nagkasakitan, nagkaiyakan. Paano ka magtitiwala ulit sa taong nagawa ka ng saktan at lokohin?

Sa totoo, iba ang sinasabi ng utak ko sa gustong gawin ng puso ko. Pero sinunod ko ang utak ko dahil sa ngayon, mahirap pagyamanin (ang lalim nun ah) ang isang relasyong walang tiwala sa isa't-isa. Sabi nga ni lola, kung kami talaga, magkikita pa kami. Awkward nga lang dahil gusto ko man siyang iwasan, hindi ko magagawa habambuhay dahil mauubusan din ako ng dahilan. habambuhay ba akong hindi aatend sa family affairs na kasama ang family nila. Family friend kasi  sila.

Alam ko hiyang-hiya siya sa ginawa niya at maaaring pinili niya ako dahil na rin sa hiya niya sa Pamilya naming dalawa. Gayunpaman, okay naman ako sa ganitong sitwasyon. Pahinga muna,para wala na ring isipin. Sana lang maibalik ang dating samahan, ( na sa tingin ko mejo malabo). Ang hirap kasi na magkaibigan kayo dati tapos biglang....poooop, wala na! Wala naman akong pinagsisisihan, maliban sa namimiss ko siya ng sobra, hangad ko na maging masaya siya.

to be continue......

Tuesday, February 1, 2011

Lakad Pasulong

source
Sa mga oras na to gusto kong mag-isip ng entry ko para sa Mapagmahal Blog Award ni Kamil pero hindi ko magawa. Gusto ng utak ko, pero ayaw ng puso ko. Takot siyang balikan ang bawat sandaling pinagsamahan, ang masasayang ala-ala ng kahapon. Nakabasa ako ng ilang blogs na nakita ko sa blog roll ni Kamil. Hindi pala ako nag-iisa. Marami kaming nasasaktan, pero hindi ako natutuwa dahil dun.  Ngayon ramdam ko ang sakit at ang tanong sa puso ko, Handa na ba akong sumulat ng maikling kwento ng buhay pag-ibig ko. Akala ko kaya kong iwasan ito, dito sa blog na ito, pero hindi pala. 

Malapit na pa naman ang araw ng mga puso. Napapa-emo tuloy ako, pero hindi naman bagay sakin yun eh. Kasi masayahing tao ako, yun ako sa pamilya at mga kaibigan ko. Sa mga tao sa paligid ko, pero sa totoo, ayokong ipakita ang totoong saloobin ko.

Sa darating na araw ng mg puso may date ako. Date kasama ang buong pamilya, suporta sila sa bigo kong puso. Kunwari family dinner daw bago umalis si Kuya pero ang totoo alam ko, ayaw nila akong mag-isip, umiyak at nakikitang nasasaktan.

Sa lahat ng taong may dinaramdam ngayon, don't worry, darating din tayo sa araw na tayo naman ang magiging masaya. Kanya-kanyang paraan nga lang. Basta ang mahalaga, LAKAD LANG NG LAKAD PASULONG.

ayoko na.....kaya gusto ko ng matulog, kasi ito yun eh! ayan na.....(tears......tears...tears....).