Thursday, February 3, 2011

Ibuhos mo!

Pasok ng bahay, deretcho sa kwarto, sabay tulog.

Nakarinig ako ng katok sa pinto. "Gising na, kumain ka na, naghihintay na sila Mama sa baba. " Tumayo ako, nagpunta sa banyo, naghilamos, tapos bumaba. Kumain kasalo ang pamilya.

Mama: Anak, pansin ko lagi ka sa kwarto, ano bang pinagkaka-abalahan mo?

Billy: Ah, Ma? natutulog lang.

Benjie: Weh, wala ka ng insomnia?  Kontest nga kayo ng kawago diba!

Billy: Ewan ko sayo kuya, kaw mukang kwago.

Banjo: Ano ba yun ah! Ibuhos mo lang Nikos...

Billy: Pauso ka naman kuya, gaya-gaya sa commercial.

Mama: Nak, pag may sasabihin ka, may tenga kami, marami tayong Ice tea jan......ibuhos mo lang.

Ha-ha-ha. Natawa ako kay mama at sa kanilang lahat, gayahin ba naman ang  commercial. Ano ba? ako ba si Nikos na nabigo kay Matina? Pero na-appreciate ko naman. Hindi nila alam binubuhos ko ang oras ko ng hindi makatulog  sa pagbabasa ng mga articles na makakatulong sakin.

Umakyat ako sa kwarto ko, binuksan ang computer. 
Wala akong ginawa tinitigan ko lang
may pumasok sa pinto
si Kuya Banjo pala

Si kuya, nagtanong: "Okay ka lang ba?
"Oo kuya, super bongga, Ikaw ano na balita?, tutuloy ka pa ba?"
"Oo, kailangan"
"Sige kuya, gudluck. Sana manahanp mo si Iyah, magiging happy ako para sayo"
Tinapik niya yung balikat ko sabay sabing, 
"magiging okay dinanag lahat, sige tulog na ko. Ikaw matulog ka din ah"
Tumango ako....Lumabas na siya.

Gusto ko sabihin kay kuya na "sasabog na yata and dibdib ko kuya"
pero hindi ko nagawa dahil alam ko may sarili din siyang dinadalang suliranin.
Kaya sige na, share ko sa inyo.

Naghiwalay kami ni Perdo (di nia real name) last December dahil sa third party. 3 1/2 years naging kami. Kami pa pero tapos nagdedate sila ni 3rd. Sinubukang ayusin pero hindi na talaga uubra dahil wala ng tiwalang natitira. Nagkasakitan, nagkaiyakan. Paano ka magtitiwala ulit sa taong nagawa ka ng saktan at lokohin?

Sa totoo, iba ang sinasabi ng utak ko sa gustong gawin ng puso ko. Pero sinunod ko ang utak ko dahil sa ngayon, mahirap pagyamanin (ang lalim nun ah) ang isang relasyong walang tiwala sa isa't-isa. Sabi nga ni lola, kung kami talaga, magkikita pa kami. Awkward nga lang dahil gusto ko man siyang iwasan, hindi ko magagawa habambuhay dahil mauubusan din ako ng dahilan. habambuhay ba akong hindi aatend sa family affairs na kasama ang family nila. Family friend kasi  sila.

Alam ko hiyang-hiya siya sa ginawa niya at maaaring pinili niya ako dahil na rin sa hiya niya sa Pamilya naming dalawa. Gayunpaman, okay naman ako sa ganitong sitwasyon. Pahinga muna,para wala na ring isipin. Sana lang maibalik ang dating samahan, ( na sa tingin ko mejo malabo). Ang hirap kasi na magkaibigan kayo dati tapos biglang....poooop, wala na! Wala naman akong pinagsisisihan, maliban sa namimiss ko siya ng sobra, hangad ko na maging masaya siya.

to be continue......

19 comments:

  1. ay billy, parekoy ako ng parekoy sayo eh girlalu ka pala.. sorry aman di ko alam hehehe.. at kapangalan ko pa si kuyang banjo ha... apir tayo dun..

    ok game.. malaliman ito ha

    marekoy, ang salamin pag nagkalamat na, ang hiram ng buuin diba? wat more pag nabasag, pagdikit dikitin mo man ulit, nandun pa din ang lamat. at ang lamat na yan ang magiging dahilan ng muli nyang pagkabasag..

    o gets ba? ganyan ang trust (tiwala ha at hindi condom).. o ngiti na :)

    ReplyDelete
  2. Naku, mahirap talaga yang split ng mga magsyota. Kaya siguro hindi pa ako nagkaka-BF. Chos!

    Hello nga pala. Thanks for following my blog.

    Naku, may kirot (ayan, sinabayan kita sa lalim) pa rin ba sa puso mo? Mahal mo parin ba? Nagsisisi naman ba si Perdo (or Pedro?)?

    Mahirap talaga pag LAB na ang usapan...hahaha.
    God bless na lang. At sana nga mahanap ni Kuya mo si Iyah (usapang LAB na naman)...

    ReplyDelete
  3. bast sabi nga ni mama mo.. IBUHOS MO LANG.. painom nalang..hahaha:)

    ang seseryoso ng comment..whew..buti nalang akin hindi..hehehe

    ReplyDelete
  4. nice one.. comedy nanay mo, dan na sya ni nikos at matina! ahahaha

    banjo? baka nga si tambay yan.. ahaha
    uyyyyyyyyyyy... LOL

    ReplyDelete
  5. Istambay: parekoy okay lang yun. Mas okay ako sa parekoy, hahaha! Palayaw yun ni kuya. ang real name niya ay Bernard John....*apir pa din tayo* Nagets ko ang punto mo. Ang trust talga pag basag na mahirap nang ayusin,parang salamin lang. Makakdisgrasya pa yugn bubog nun pagnagkataon. (nakangiti ako, promise)

    Hi Me: Okay lang. Thanks din sa pagdalaw dito. nagsisisi daw siya sabi niya at kung majhal ko pa. Yes naman.

    Cheenee: Kokak, ang daming ice tea dito, sige inom lang.

    Leonrap: oo nga eh. comedy si mama, may balak atang maging commercial model. haha! uyyyyyyyy, baka nga si Tambay yun. hehehe kuya Tambay.

    ReplyDelete
  6. Naiinggit ako sayo kase nasasabi sayo yan ng nanay at kuya mo... hayyy...

    hindi ko alam ang sakit ng pagiging heart broken (charr ang gondoo) pero alam kong masakit...

    isipin mo na lang.. for the better na nga yan.. paano kapag nagpakasal kayo di ba? Paano pag hindi pa rin niya mabigay yung trust na kailangan mo di ba? Mabuti na yung bf/gf pa lang kayo nagkaalaman na.. kaysa masaktan ka pa sa future..

    ibigay mo ang love mo sa deserving na tao...

    ReplyDelete
  7. maglibang kana lang teh..tara inom tayo! hehehe
    cool ng family niyo, super blessed! Lapit ka na lang kay mudang... for sure makikinig sya sayo... :) Mother knows best

    ReplyDelete
  8. kamila: Korek ka diyan. try mo-ishare sa mama mo malay mo naman, mag-open din siya sayo. buti ka pa nga eh, alam ko happy ang lovelife mo. Apir tayo para sa inyong dalawa ni Joe. (oh diba, nakiki-Joe na rin ako.) haha.

    Jhengpot: inom? sige go ako jan kahit di ako malakas uminom.! kelan, saan? go na go! si Mama. coolest person in the world for me. thanks jhengpot.

    ReplyDelete
  9. sama naman kapag may inuman..pede bang sa saturday na??hahaha sa bahay nyo billy..tutal.. cool naman si mama mo eh..:)

    ReplyDelete
  10. CheeNee: Sige sama ka. haha! Sayang di ako pwede sa 19. Try ko magpaalam kung pwede sa bahay!

    ReplyDelete
  11. ...at hangad ko rin na maginf masaya ka na...kahit pa kapangalan mo yung ex ko na sobrang nanakit sa akin hehehehe

    ReplyDelete
  12. Jobo: salamat. talaga bang kapangalan ko siya?

    ReplyDelete
  13. BILLY LATI ang whole name niya heheheh

    ReplyDelete
  14. hay buti naman hindi ako yun. akala ko nagka-amnesia na ako at nakasakit ako. hahaha!

    ReplyDelete
  15. hindi naman kayo talo ni jobo eh.. nakikiepal lang..:)

    ReplyDelete
  16. hahahahahahahaha sige na sige na sige na palaka ka talaga

    ReplyDelete
  17. CheeNee: Bakit aman...aba...gosh chika yan

    Jobo: hahaha, natawa ako sa reaction mo.

    ReplyDelete
  18. sige pa cheenee ipagkalat mo pa na beki ako...maganda yan...uunlad ang Pilipinas sa ginagawa mo bwahahahahah

    Billy na kapangalan ng ex ko...well matutuwa ka talaga sa mga reactions ko kasi nga OR daw ako...over reacting....maniwala ka...joke yan hahahaha

    ReplyDelete
  19. Jobo: sabi ko pa naman, galing ng pose nitong blogger na to dito sa picture niya. so creative. hahaha, ngeon pala charaaan...

    ReplyDelete