Thursday, January 27, 2011

Usapang Walang Magawa

Kagabi habang nagbabasa ng mga blogs na nakabookmark sa laptop ko, (tatanungin niyo ako bakit nakabookmark?, ganito kasi yun, mahilig ako magbasa pero ayoko gumawa ng blog dati kasi galing ako sa lahi ni Juan Tamad. Sigurado hanggang simula lang ako, baka hindi ko din matapos. Pero last year itong sa Kamila, nahikayat akong gumawa ng blog. Mula sa pagsesearch kong ng mga blogs ng pinoy, napunta ako sa site niya, ayun ako naman si bookamark. So ganun na nga, dahil insomiac ako at nakikipag-contest ako sa mga kwago sa gabi, naging habit ko na ang magbasa hanggang makatulugan ang laptop, pero hindi ako mapagalitan ni Mama kasi pag nagalit siya, magigising ako............sige Ma, magalit ka............hahahaha!

Last year nung time na magiging adik na dapat ako sa pagba-blog, dinalaw ako ng isang lamok, at yown, na-dengue ang Billy. Nawala sa limelight, nag-disappear, nag-evaporate. Nang maka-recover, binalikan ko ang blog na ginawa ko pero dahil sa dami ng injection (awwwwts) na tinusok, naging makakalimutin ako. Hindi ko matandaan ang password. Nanghinayang ako kasi, may tatlo na kong followers dun eh! Sayang, SHET!

Kaya eto, simula ulit ng panibago, pero this time, sinulat ko na nag password ko. Iisipin ko kung ipapatago ko kay kuya nag password para pag-na-dengue ulit, siya na bahala.......hehe, pero sa kabilang banda wag na lang kasi baka kung no isulat ng mokong na yun.

Sumakit ulo ko, kakaisip ng title, lalo tuloy ako di nakatulog kagabi. Naisip ko KOPIKO na lang kaya, or pwede din namang PETROLEUM JELLY, ayun kasi mga nakikita ko dito sa loob ng kwarto. O kaya naman PENTIUM INSIDE. Gusto ko sana walang tulugan pero baka isipin naman ako si Kuya germs. suggestions naman

2 comments:

  1. Billy grabe naman advertisement mo sa kin.. meron na nga akong button sa gilid.. napa-special mention pa ako sa post na ito... woooohh...

    naku di biro ang dengue mo ah.. grabehan..masaya ako at okay na ngayon..nakailang balik din ako sa blog mo dati.. kaso laging walang post na bago..

    hmmmm.... mag-blog hop ka lang ng madalas.. at makipagcommunicate sa mga kapwa bloggers natin... yaan mo dadami din ang magfofollow sayo... waaaah (yabang) di ko nga din alam paanong lumago ang blog ko.. salamat na rin sa pamimilit ko..

    tapos sa pangalan.. isipin mo yung babagay sayo.. yung tipong malalagyan mo ng... "kaya ito ang pinangalan ko sa blog ko kase... ano... yung.." basta may konek sayo, sa pagkatao mo.. mas personalize..mas happiness!!!

    go blog lang ng blog!

    ReplyDelete
  2. tayo ulit! haha! namiss ko to. oo nga, takteng lamok yun. muntik pa mawalan ng nag-iisang prinsesa ang pamilya ko. nway, tapusin ko lang itong issue ng kuya ko tapos mag-blog hop ako ng bongga! mamats sa dalaw sa blog ko!

    ReplyDelete