Sunday, January 30, 2011

Nalilito-Nalilito-Nalilito

Pagod na akong habulin si konsentrasyon. Dapat talaga hindi na ako pumasok ngayon eh! Ang hirap kapag ganito:

Nalilito + Nag-aalala = Dull Face without Future

Para saan pa ba ang blog na ito kung hindi ko ibabahagi ang adventure ko. Kaya hala sige sugod.............

Hindi ko kwento ito, kwento ng kuya Banjo ko. Super close kami at simula nung bata pa never pa kaming nagkahiwalay. magkasama lagi sa trip, sa pasyal sa kalokohan pati sa away. Away na to. hehe. Super like ko itong si kuya. Suportado ko siya mula ulo hanggang paa pati sa lahat ng ka-epalan niya sa buhay. Tanda ko dati nagbakasyon kami, lahat ng picture namin nakatalikod, (ang photographer si Kuya Benjie)  wala lang tamang trip lang kami prang lasing pero hindi naman. Pinagalitan kami ni Mama kasi wala kaming kuha na maayos. Madalas din kami mag-ala Zorro. ang espada ko walis tambo, kay kuya naman yung t-Square niya sa Engineering. haha. mga jologs lang eh.

Si kuya ngayon may problema, malaki, sobrang laki. Dito nakasalalaly ang HAPPINESS niya. Mhabang kwento pero try ko maging maiksi. Nung college pa si kuya meron siyang GF, si Iyah (hindi real name pero hawig). Dahil love siya ni kuya, love ko na din siya. nagtagal sila humigit kumulang 2 taon tapos si Iyah biglang umuwi sa Cebu. sila pa din pero biglang nawala, naglaho parang bula. Ngayon pala itong si kuya ko, napaka-hina sa tukso pumatol sa iba at nalaman ni Iyah ang balita from her friends. simula nun hindi na namin siya nakita, at never na rin siya nagparamdam. Galit ako kay kuya in a way pero naaawa ako, lalo na lately nalaman ko na Mahal niya pa si Iyah.

Saturday night, January 29, 2011 after dinner, kinausap ni kuya si Papa at mama. Aalis daw siya pupunta ng Australia, susundan si Iyah. Nagulat kaming lahat dahil hindi namin alam na hinahanap niya pala. TAKE NOTE: Nagpunta siya ng Cebu last time para hanapin si Iyah pero wala na siya dun at nasa Australia na daw kasama ang anak niya. What??????????? May pamilya na si Iyah, eh bakit pa susunod si kuya? ang sabi ko, kuya kasalanan mo yan, panu yan, may pamilya na si Iyah bkit ka pa susunod dun.

Sabi ni kuya, ANAK daw niya yung batang yun. Kaya pala umuwi si Iyah sa Cebu before dahil buntis siya. May usapan na sila ni kuya na sasabihin sa parents ni Iyah tapos kila Papa, pero etong kuyan kong magaling kala mo napaka-gwapo tatay na pala nghanap pa ng iba.

Ang sitwasyon ngayon, DETERMINADO si kuya na hanapin si Iyah. gusto ko siyang samahan pero hindi naman ganun kadali yun. Kahit si kuya Benjie gusto din sumama pero wala naman kami magagawa. Austalia yun no! buti kung States sana andun ang family ni papa mas mgiging madali. Nalilito tuloy ako.

KUYA:
Kung mabasa mo man to, sana mahanap mo so Iyah pati yung baby niyo. Ayoko nakikita kang nahihirapan ng ganyan at sana pag nakita mo sila, may space pa sila sa buhay nila para sayo. Mahal mo pala eh, luko-luko ka kasi kaya magtiis ka. kasalanan mo panindigan mo. sige galugarin mo ang buong Australia para mahanap sila, sana lang wag kang umuwing luhaan dahil baka mamatay din ako sa sakit pag nakikita kitang nahihirapan.

Hangad ko pag-uwi mo kasama mo na sila Iyah, tapos magdala ka ng kangaroo ah! pasalubong, gagwin naming pet ni Kuya Benjie. (joke lang) AJA kuya.

7 comments:

  1. Waaaah! Grabe..! Over! Goodluck naman sa kuya mo.. grabe,.. ang bilis ng pagkakakwento mo..ang shockings tuloy para sa kin...

    Ano ba.. uhmmm... ang lungkot naman ni kuya mo, pero paano niya natago yun? na nagkaanak pala sila.. hay hirap naman nun.

    Siguro kung magkasama sila nung nagbuntis gf niya hindi mangyayari yun. Ang mga lalaki talagaa malapit sa tukso.. kahit yung kuya ko ganun..may asawa na..pero natukso.. pero na-resolve din nila yung nangyari. hay sana maging okay lahat para sayo at sa kuya mo..

    para sa tanong mo kung sino pwede i-follow.. uhmmm.. tingnan mo yung blog roll ko sa sidebar ng blog.. naka-ayos ayon sa kung sino recent na nag-update.. mga binabasa ko talaga yung mga yun.. try mo.. :)

    ReplyDelete
  2. at kapangalan ko talaga si kuyang mo..

    malaki pala ang pagkakamali ni kuyang, pero goodthing is itinatama nya ang pagkakamali nya.. pasasaan ba't magkikita din sila..

    salamat nga pala sa pagpalo.. at pinalo na din kita...

    ReplyDelete
  3. sana mahanap ni kuya mo agad si iyah..:)

    ReplyDelete
  4. Kamila: nashick ka ba, sorry naman, hindi ako magaling magkwento eh, palaging past forward. so glad aus na si kuya mo. ewan ko ba sa mga kuya natin.

    Istambay: talga Banjo din name mo? palayaw niya yan. ang totoo niyang pangalan ay Bernard John. Oh diba, nagpupumiglas ang panglan. Salamat sa pagpalo. baong word yun ah! galing. apir.!

    CheeNee: salamats at yan din ang pangarap ko.

    ReplyDelete
  5. malamng nakikipag contest kapa sa kwago ngayon??tama ba??gisng pa??hahaha

    ReplyDelete
  6. korek ka jan. contest kami araw-araw at guess what?? palagi akong panalo. Hindi natalab ang kahit anong uri ng gatas sa akin. Gatas ng ina kaya? huwat??? san ako kukuha nun?

    ReplyDelete
  7. Hahaha. Korek! Magdusa siya!
    Haha. Feeling close naman ako. Ei, thanks for visiting my blog...

    ReplyDelete