Pasok ng bahay, deretcho sa kwarto, sabay tulog.
Nakarinig ako ng katok sa pinto. "Gising na, kumain ka na, naghihintay na sila Mama sa baba. " Tumayo ako, nagpunta sa banyo, naghilamos, tapos bumaba. Kumain kasalo ang pamilya.
Mama: Anak, pansin ko lagi ka sa kwarto, ano bang pinagkaka-abalahan mo?
Billy: Ah, Ma? natutulog lang.
Benjie: Weh, wala ka ng insomnia? Kontest nga kayo ng kawago diba!
Billy: Ewan ko sayo kuya, kaw mukang kwago.
Banjo: Ano ba yun ah! Ibuhos mo lang Nikos...
Billy: Pauso ka naman kuya, gaya-gaya sa commercial.
Mama: Nak, pag may sasabihin ka, may tenga kami, marami tayong Ice tea jan......ibuhos mo lang.
Ha-ha-ha. Natawa ako kay mama at sa kanilang lahat, gayahin ba naman ang commercial. Ano ba? ako ba si Nikos na nabigo kay Matina? Pero na-appreciate ko naman. Hindi nila alam binubuhos ko ang oras ko ng hindi makatulog sa pagbabasa ng mga articles na makakatulong sakin.
Umakyat ako sa kwarto ko, binuksan ang computer.
Wala akong ginawa tinitigan ko lang
may pumasok sa pinto
si Kuya Banjo pala
Si kuya, nagtanong: "Okay ka lang ba?
"Oo kuya, super bongga, Ikaw ano na balita?, tutuloy ka pa ba?"
"Oo, kailangan"
"Sige kuya, gudluck. Sana manahanp mo si Iyah, magiging happy ako para sayo"
Tinapik niya yung balikat ko sabay sabing,
"magiging okay dinanag lahat, sige tulog na ko. Ikaw matulog ka din ah"
Tumango ako....Lumabas na siya.
Gusto ko sabihin kay kuya na "sasabog na yata and dibdib ko kuya"
pero hindi ko nagawa dahil alam ko may sarili din siyang dinadalang suliranin.
Kaya sige na, share ko sa inyo.
Naghiwalay kami ni Perdo (di nia real name) last December dahil sa third party. 3 1/2 years naging kami. Kami pa pero tapos nagdedate sila ni 3rd. Sinubukang ayusin pero hindi na talaga uubra dahil wala ng tiwalang natitira. Nagkasakitan, nagkaiyakan. Paano ka magtitiwala ulit sa taong nagawa ka ng saktan at lokohin?
Sa totoo, iba ang sinasabi ng utak ko sa gustong gawin ng puso ko. Pero sinunod ko ang utak ko dahil sa ngayon, mahirap pagyamanin (ang lalim nun ah) ang isang relasyong walang tiwala sa isa't-isa. Sabi nga ni lola, kung kami talaga, magkikita pa kami. Awkward nga lang dahil gusto ko man siyang iwasan, hindi ko magagawa habambuhay dahil mauubusan din ako ng dahilan. habambuhay ba akong hindi aatend sa family affairs na kasama ang family nila. Family friend kasi sila.
Alam ko hiyang-hiya siya sa ginawa niya at maaaring pinili niya ako dahil na rin sa hiya niya sa Pamilya naming dalawa. Gayunpaman, okay naman ako sa ganitong sitwasyon. Pahinga muna,para wala na ring isipin. Sana lang maibalik ang dating samahan, ( na sa tingin ko mejo malabo). Ang hirap kasi na magkaibigan kayo dati tapos biglang....poooop, wala na! Wala naman akong pinagsisisihan, maliban sa namimiss ko siya ng sobra, hangad ko na maging masaya siya.
to be continue......